Wednesday, February 20, 2008

Sirocco Serye 1 – Barista

Sirocco Serye 1 – Barista
Ni Desert Delicacy [desertdelicacy@yahoo.com]

Sira ang araw ni Mike mula noong makatanggap ito ng email mula sa kanyang ina sa Pilipinas. Nagluluko daw ang kanyang asawa at maraming ebidensya ang kanyang ina na magpapatunay sa kakatihan ni Rina. Kaya nagpagpasyahan naman ni Mike na dumaan sa Starbucks sa may Al Khobar Corniche upang uminom ng kape at magpapalamig ng kanyang ulo.

“Hello Mike”. Bati ni Richard kay Mike na sinabayan pa ng magandang ngiti.

“Hello Richard”. Nagkatitigan ang dalawa.

Si Richard, ang barista ang parating nagpapalamig ng ulo ni Mike. Tuwing may problema siya, dumadaan lang siya kay Richard at solve na.

Ang asawa ni Mike ay nagtatrabaho sa isang bangko sa may Makati at napag alaman ng ina ni Mike, galing sa mga kumpare ni Mike sa naturang bangko din na merong relasyon si Rina sa kanilang branch manager na may asawa’t anak rin. Hindi kataka taka dahil maganda si Rina, bata pa at mahilig itong magsuot ng mini skirts at 6 inches heeled na mga sapatos.

“Mukhang malungkot ka”. Tanong ni Richard.

“Ang puta kong asawa!”. Ang wala sa loob na sagot ni Mike.

“De bale, andito naman ako”. Bulong ni Richard kay Mike habang hinahanda nito ang kapeng inorder ni Mike.

Umupo si Mike sa pinaka sulok na bahagi ng Café at binuksan nito ang kanyang blackberry at binasa ulit ang email ng kanyang ina.

“That bitch!”. Napalakas ang kanyang pagmura.

“Mike, how many times are you going to keep saying that?”. Nabigla siya sa sinabi ni Richard na bitbit na nito ang kanyang order na kape.

“Rich, please stay with me”. Pagsusumamo ni Mike.

“I can’t Mike. Alam mo naman na may trabaho ako. Antayin mo ako, maya maya lang out ko na”. Umalis kaagad si Richard at bumalik sa kanyang work station.

“Putang Ina!”. Bulong ulit ni Mike sa kanyang sarili. Galit na galit pa rin sa natanggap na balita.

Hindi lang namalayan ni Mike ang oras at out na ni Richard. “Mike, don’t be sad”.

Biglang tumulo ang kanyang luha nang makita niya si Richard sa kanyang tabi. “Anong gagawin ko?”.

“You have me Mike”. Sagot ni Richard at ngumiti ito sa kanya. “Let it go. What she did was unfair but what we’re doing is not right too”.

Natigilan si Mike sa sinabi ni Richard. Hindi pumasok sa kanyang isipan na siya din ay may kasalanang ginawa sa kanyang asawa.

“You have to forgive each other, Mike”.

Magkasabay silang umuwi ni Richard sa kanilang love nest sa likod ng Jarir Bookstore.

“Rich, let’s have fun”. Yaya ni Mike kay Richard at nilabas na nito ang black label na binigay sa kanya ni Billy, ang kaibigan niyang kano na consultant ng Aramco.

Sinabayan siya ni Richard sa pag inom. Ngunit mas marami ang kanyang tagay kaya siya madali siyang nalasing.

“What’s up man?”. Tanong ni Richard kay Mike.

“Ang putang ina!. …..”. hindi na maintindihan ni Richard ang pinagsasabi ni Mike. “I just want some fun”. At umiyak na ito ng umiyak.

“Mike, you have to stop drinking”.

“Mag usap tayo please Richard”. Tumingin siya kay Richard at pinapahid ang kanyang mga luha.

Inakay na ni Richard si Mike papunta sa kama. Nang makahiga na ito ay dahan dahan niyang tinanggal ang saplot sa katawan ni Mike at iniwan lang ang kanyang brief. Nagtanggal na rin siya ng kanyang mga damit at unti unting hinalikan si Mike.

Dalawa lang daw ang dahilang kung bakit naglalasing ang isang tao, Una ay upang magsaya, pangalawa ay upang takasan ang problema. Ngunit bakit ka pa iinum kung ang lahat ng sagot sa iyong mga suliranin ay nasa tabi mo lang.

--ENDS--

This story is free for all. Please do not take out the credits and always ask permission from the author before posting it to other sites. Merci Katir Maraming salamat po. Email Desert Delicacy [desertdelicacy@yahoo.com] for comments or visit http://sultanofemptyquarters.blogspot.com for more stories.

3 comments:

barb michelen said...

Hello I just entered before I have to leave to the airport, it's been very nice to meet you, if you want here is the site I told you about where I type some stuff and make good money (I work from home): here it is

Servidores said...

Hello. This post is likeable, and your blog is very interesting, congratulations :-). I will add in my blogroll =). If possible gives a last there on my blog, it is about the Servidor, I hope you enjoy. The address is http://servidor-brasil.blogspot.com. A hug.

bernard n. shull said...

i did a little research after you told me about your "thing", and if you want a way to make more money using your your blog you can enter this site: link. bye.