Saturday, August 4, 2007

Kwentong Diliman - The Pickpocket

Kwentong Diliman - The Pickpocket
Ni Desert Delicacy [desertdelicacy@yahoo.com]

“Hoy! Gumising ka na diyan bata ka! Dis oras ka na ng gabi kung umuwi tapos anong oras na hindi ka pa rin nagigising!”. Ganyan ang aking ina. Kung may Olympics lang sa pagka mahadera at pagka eskandalusa siya ang mananalo ng gold.

“Ano ba …….. natutulog eh”.

“Mama, alam mo si Kuya may bago namang mga damit, cellfone at ang daming pera”. Si Jake ang 15 taong gulang kong kapatid ay nakialam na naman sa aking wallet.

“Naknang! Ano ba Jake nakikialam ka na naman sa wallet ko!”. Dali dali akong tumayo at hinablot ko ang aking wallet sa aking kapatid at sabay batok sa kanyang ulo.

“Pahingi naman kuya”.

“Ikaw bata ka saan mo kinuha yang perang iyan? Ipaliwanag mo nga sa akin!”

“Nay, puro may tatak ang lahat ng gamit ni Kuya at kita mo nga last week lang binigyan niya ako ng bagong cellfone”.

Para tigilan na ako ng aking ina’t kapatid ay binigyan ko na lang sila ng pera. Panghapon lahat ng aking pasok sa school. Sa awa ng diyos ay magtatapos na din ako sa college. Nagtataka ang aking ina kung saan ako kumukuha ng pang enroll pero hindi ko na sinasabi sa kanya. Bakit pa? para talakan na naman niya ako? Kaya nga kami iniwan ng aking ama dahil sa pagka mahadera ng aking ina.

“Hay ano ba itong buhay kong ito”. Minsan pag nag iisa ako’y naiisip ko kung bakit ganito na lang ang buhay ko. Walang prospect, walang kinabukasan at walang kaibigan. Kung may pamilya naman, ewan, tatlo na nga lang kami sa buhay.

Isang araw habang kumakain ako sa cafeteria may naririnig ko ang pakikipag usap ng isang lalaki sa kanyang ina.

“Hello Mama kumusta po kayo……….okay naman po ……. Opo, mag aaral ako ng mabuti …. Opo kumakain naman ako”.

“Mama’s Boy!”. Naasar ako sa estudyanteng iyon siguro dahil sa selos na rin dahil hindi naman ganoon ka sweet ang aking ina. Hindi ko alam na napalakas pala ng aking boses. Pero parang wala lang naman sa kanya kaya kumain na lang ako ng kumain. Pagkatapos kong kumain ay dumaan ako sa kanyang likuran at nakuha ko na kaagad ang kanyang wallet nang hindi niya namalayan.

“Ahhhhh … Adrian Martinez … pucha kaapelyedo ko pa!”. Binuksan ko ang kanyang wallet sa gitna ng football field. Wala kasing masyadong estudyante doon at hindi mahahalata ang aking ginawa. “Good.. ha ha ha ha… langhiya 10 Thousand ang laman ng wallet”. Tuwang tuwa naman ako at pagkatapos ay basta ko na lang tinapon ang lahat ng laman at nilagay sa aking bag ang wallet. “Gucci yata ang wallet na ito at orig pa”. Natapos ang araw at anong oras na rin ako nakauwi. Paminsan minsan ay dumadaan pa ako sa mga malls upang humanap ng delehensya kaya inumaga na naman ako ng uwi at tanghali na naman ang gising kinabukasan.

--- oo0oo ---

“Hi may umuupo ba dito?”.

“Ahhhh .. wala naman”. Nagulat ako dahil ito si Adrian yong dinukutan ko ng wallet. Tumambay ako noon sa harap ng park at naghihintay sa class ko. Nagbuklat buklat ako ng aking mga notes baka kasi may quiz. Maya maya lang ay dumaan si Clarence, yong classmate ko sa isang major subject.

“Uy, naknang! Mark!!! Nag aaral ka na ngayon?” Puna ni Clarence sa akin. “Andito ka rin pala Adrian… magkakilala kayo?”. Walang sumagot ni isa man sa amin. Kaya pinakilala na lang kami ni Clarence. “Mark si Adrian, Adrian si Mark”. Nag shake hands kaming dalawa pagkatapos at nagsimula na ring mag usap. Sumibat na rin kaagad si Clarence dahil may date pa daw sila ng girlfriend niya.

“Business Ad ka rin ba?” tanong ni Adrian sa akin.

“Ah Oo magtatapos na ako next semester”.

“Ah buti ka pa. Ako next year pa talaga”.

Nag usap kami about school at kung ano ano pa. Hindi lang ako mapakali tuwing nag uusap kami dahil nagi guilty ako sa ginawa ko sa kanya. Kaya naman nabunutan ako ng tinik sa dibdib nang nag bell na.

Lumipas ang linggo at buwan na hindi kami nagkasalubong ni Adrian sa Campus. Marami rami na rin ang aking naipong pera at plano ko talaga na lumayas ng bansa pagkatapos kong mag aral. Pinangako ko na kay Jake, ang bunso kong kapatid na kahit anong mangyari ay patatapusin ko siya ng kolehiyo. Routine pa rin ang aking gawain sa bahay, tanghaling nagigising, pasok sa eskwela at mang pick pocket.

Minsan isang linggo sa malaking mall namasyal ako at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita ko si Adrian.

“Mark pare, dito ka pala ah”.

“Oo nagliliwaliw lang”.

Niyaya niya akong mag coffee at sumama naman ako sa kanya. Mag isa lang daw siya sa kanilang bahay at walang kasama dahil umuwi lahat sa probinsya.

“Kakabored eh kaya nagpasya akong gumala”.

“Ako rin. Bored din sa bahay at sa sermon ng nanay”.

Matapos kaming mag kape ay niyaya ako ni Adrian na dumaan sa isang bar at mag inuman daw kami. Isa sa mga paboritong lugar na tinatambayan ko ang mga bar dahil madali akong nakakakuha ng wallet lalo na’t siksikan at maraming lasing.

“Alam mo nami miss ko rin ang uminom paminsan minsan. Wala na kasi akong kainuman dahil naunang nagsipagtapos na ang aking mga kaibigan sa kolehiyo”.

“Buti ka pa nga may mga kaibigan”. Mahina kong sagot. Pagkatapos kasi kaming nilayasan ng itay ay parang nag iba na ang mundo ko. Kahit na mga kaibigan ko ay umiwas na sa akin, o baka ako rin naman ang umiwas.

“Bakit wala ka bang kaibigan?”

“Wala”.

“Ba’t ako di mo ba kaibigan?”.

“Ahhhhh ……ehhhh…..kaibigan”.

Nalasing na naman ako pero sanay na yata ako dahil kahit na lasing ako’y nakakauwi pa rin ako sa aming bahay. Pero sinabi ni Adrian na doon na ako sa kanila matulog. Hindi na rin ako tumanggi. Maganda ang kanilang bahay at masasabi mong mayaman nga sila. Kahit ang silid ni Adrian ang ganda rin mistulang nasa hotel ka. Nakigamit lang ako ng banyo’t pinahiram ako ni Adrian ng pambahay na damit at nakatulog na ako kaagad. Wala na ako naalala kung anong nangyari kinabukasan liban sa wala na kaming saplot ni Adrian noong ako’y nagising.

“Naknang! May nangyari ba?” tinanong ko ang aking sarili ngunit wala akong maalala. Tiningnan ko ang aking ari kung meron bang natuyong mga tamod pero wala naman. “Bakit kami nakahubad?”.

Nagmadali akong pumunta ng banyo upang maligo. Hindi na bago sa akin ang makipag sex mapa sa lalaki man o babae. Parang buhay ko ito’y routine na rin. Hindi naman sa hindi ako nag e-enjoy pero parang okay lang kung wala okay lang naman kung meron. Gising na si Adrian nang matapos akong maligo.

“Mark gising ka na pala?” Parang wala lang rin sa kanya. “Wag ka munang umalis breakfast muna tayo”.

“Ah sige”.

Sumabay ako kay Adrian na bumaba sa kanilang kitchen pero dinala ko na ang aking bag. Kinakabahan ako baka binuksan niya ang aking bag dahil nandoon ang mga wallets na aking nadukot sa mall at sa bar. Marami rami din iyon. Parang hindi ako mapakali kaya nagtanong na rin ako.

“Adrian may nangyari ba sa atin kagabi?”.

“Oo merong namagitan sa atin kagabi”.

“Pero wala akong ala ala dito”.

Hindi na siya sumagot dahil inaayos niya ang kakainin namin. Kumain kami ng walang imikan.

“Mark, I really like you ….. sana walang magbago sa ating samahan”.

Ngumiti lang ako sabay alis sa bahay nina Adrian.

--- oo0oo ---

“Kuya dumaan si Tito Dante niyayaya tayong dumalaw sa probinsya sa mga lola”. Salubong ni Jake sa akin.

“Sige ikaw na lang kasi wala naman akong mapapala doon”.

“Sa bakasyon pa naman Kuya”.

“Ah talaga”.

“Eh, Kuya …ah, eh hingi sana ako ng pera kasi may babayaran sa school at wala na akong bagong pantalon, t-shirt at sapatos”.

Dumukot ako ng ilang pera sa aking wallet at binigyan ko ang aking kapatid ng malaking halaga. Wala naman siyang mahingan at kung kay Nanay siya humingi ay puro sermon lang ang mapapala niya. Kahit papano ay malaki din naman ang puwesto ng inay sa palengke. Pero gipit pa rin kami sa pera. Marami din kasing iniwang utang ang aking ama bago kami nito nilayasan mga 5 taon na ang nakaraan. “Okay na ba iyan? Wag kang mag alala pagbabakasyunin kita sa probinsya akong bahala”.

“Salamat Kuya”. Tuwang tuwa ang aking kapatid dahil sa binigay ko sa kanyang pera.

Papasok pa lang ako ng bahay ay nasalubong ko na ang inay. “Mark! Hindi ka naman umuwi kagabi! Wala ka na talagang pakialam sa nanay mo kung nag aalala sa iyo! Walang hiya kang bata ka! Gusto mo yata masawi ako sa kaka konsumesyon kung nasaan ka na!”. Blah blah blah blah … etc. etc. akala ko maganda na ang simula ng araw ko pero hindi pa rin pala.

Naging madalas ang pagsasama namin ni Adrian. Maraming beses na rin kaming nagniig. Wala naman akong pakialam kung ano ang aming ginagawa pero dumating din ang point na hinahanap hanap ko na rin siya.

“Mark, I love you!”. Bulong ni Adrian sa akin minsang kami’y nagniig.

Hindi ako sumagot dahil hindi pa naman ako sure sa aking naramdaman sa kanya.

“Mark, I said I love you!” bulong ulit ni Adrian.

Lumayo ako sa kanya at nagsindi ng sigarilyo.

“Mark, ano ba? Wala ka pa rin bang damdamin?”.

“Adrian, wag mo naman akong madaliin. Ayaw kong sabihin ang salitang iyan kung hindi ko ito nararamdaman. At wag mong sabihin iyan dahil hindi mo pa ako kilala. Baka kamuhian mo lang ako kung makikilala mo na ang tunay kong pagkatao”.

Tumahimik si Adrian ng mga sampung minuto at tinititigan lang ako.

“Kilala na kita Mark. Alam ko kung sino ka! Kung sa inaakala mo ay hindi kita makilala. Narinig kita noong sinabihan mo akong Mama’s Boy ako. Alam ko rin na ikaw ang dumukot sa akin noon! Paano mo maipapaliwanag ang laman ng iyong bag!” Tumakbo siya papunta sa aking bag at binuhos palabas ang laman ng mga ito. Lumabas ang mga wallet na aking ninakaw sa aking mga biktima. “Gusto kitang kamuhian pero wala akong karapatang husgahan ka dahil mahal kita!”

Tumulo ang aking luha pero pinahid ko ito kaagad. Ayaw kong ipahalata kay Adrian na napahiya ako. Dahan dahan kong binalik ang mga wallet sa aking bag, nagbihis at umalis.

---oo0oo---

Matagal tagal ding wala kaming contact ni Adrian. Sa totoo lang ay nami miss ko na rin siya. Pero nahihiya pa rin ako dahil nabuko niyang magnanakaw pala ako. Isang linggo na lang ay magtatapos na rin ako. Hindi ko inasahang dadalawin ako ni Adrian sa aming bahay.

“Ay anak! May bisita ka! Lumabas ka nga diyan sa silid mo!”. Nagtatalak na naman ang inay.

Nagulat ako nang makita ko si Adrian. “Paano mo nalaman ang tinitirhan ko?”

Niyaya ko siya sa aking silid natatakot kasi akong makikinig na naman ang aking ina. “Paano mo natunton ang aking tinitirhan”.

“Mamaya na ako magpaliwanag ok? Labas muna tayo”.

Dali dali akong nagbihis habang nakatingin naman si Adrian sa aking katawan. “Na miss mo ba ang katawang ito?”. Pabiro kong tanong dahil nininerbyos pa rin ako.

Wala kaming kibuan hanggang marating namin ang labasan kung saan pinarada ni Adrian ang kanyang sasakyan.

“Paano mo natunton ang aking tinitirhan?”.

“Matagal na, sinundan kasi kita minsan …… hindi lang minsan”.

“Bakit mo ako sinusundan?” pabulong kong tanong.

“Dahil mahal kita .. noon pa.. “

Hindi na naman ako sumagot. Naging masaya ang aming muling pagkikita ni Adrian. Mas naging palagay ang aking loob sa kanya dahil nasabi ko na ang lahat kong sekreto.

“Tumigil na ako sa pandudukot. Magbabagong buhay na ako. Isang linggo na lang magtatapos na ako”.

“Mark, Ako ang iyong magiging gabay upang tahakin mo ang tamang landas. Simula ngayon let’s forget your past”.

“I’m sorry Adrian at nabiktima pa kita”. Ang mahina kong bulong.

“Sa nasabi ko na Mark, let’s forget the past okay?”.

Hindi ko na malayan na nakarating na pala kami sa isang resort sa Batangas. Marami kasi kaming napagkwentuhan ni Adrian sa aming biyahe. Kumuha kami ng isang room at nag order ng pagkain at inumin. Hindi na namin pinagusapan ang mga nakaraan. Ang pagkaka alam ko ay masaya kami ngayon. Nang maubos namin ang aming inumin ay naglakad lakad kami sa gilid ng dagat.

“Mark, I want you to shout! Ilabas mo ang lahat lahat mong hinanakit sa mundo!”

Dahil na rin siguro sa epekto ng alak ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na ilabas ang hinanakit ko sa buhay. “Putang ina mo itay! Bakit mo kami iniwan!”. Nagmura ako ng nagmura at inilabas ko ang lahat ng galit ko sa aking ama at sa aking buhay. “Hindi sana nagkaganito ang buhay namin kung di mo kami iniwan! Putang ina mo!”. Ito ang kauna unahang pagkakataon kong inilabas ang lahat ng galit sa aking dibdib. Napakagaan ng aking pakiramdam ngunit hindi ko alam kung bakit ako humagulgol.

“Ganyan Mark, ngayon maari ka ng gumawa ng panibagong simula sa iyong buhay. Ang buhay na walang hinanakit, kundi puno ng pag asa sa magandang bukas”.

“Salamat Adrian, maraming salamat”.

Nang humupa na ang aming kalasingan ay bumalik kami sa aming cottage at nagpahinga na.

“Mark, mahal na mahal kita”. Bulong sa akin si Adrian.

Hindi ako sumagot bagkus ay tinitigan ko na lang siya. Iba ang aking nararamdaman kung kasama ko si Adrian dahil masaya ako pero hindi pa ako handa na pumasok sa isang relasyon.

“Mark, I said I love you”.

Ayaw kong sumagot kaya hinalikan ko na lang siya sa labi upang tumigil siya sa kanyang pangungulit. Nag liyab na naman ang aming mga damdamin at may nagyari na naman sa amin.

“Adrian, dahil sa iyo, mahirap man ay pipilitin kong magbagong buhay”. Ang bulong ko kay Adrian bago kami natulog.

--- oo0oo ---

“Mamang guard siya po, siya po talaga natatandaan ko pa po ang kanyang mukha”. Namutla ako sa hiya at hindi ako makapagsalita ituro ako ng isang babae sa mall na ninakawan ko. Hiyang hiya ako dahil kasama ko pa naman si Adrian. Alam kong alam na niya ang aking hanapbuhay pero embarrassing pa rin ang ginawa ng isang babae dahil nag eskandalo ito.

“Ah Sir, pasensya na po maari po ba tayong pumunta ng Mall Office”. Ang magalang na pagkasabi ng guard.

Sumama sa akin si Adrian sa mall office. Ang babae ay nagsisimula ng gumawa ng eksena.

“Putang Ina ka! Magnanakaw ka! Naalala ko talaga ang mukha mo”.

Hindi lang ako sumagot at tumahimik lang ako. Hiyang hiya ako pero hindi ko pinahalatang guilty ako. Sa dinami dami ba naman ng aking nadukutan ay may naka alala pa pala.

“Sir, may CCTV footage po tayo sa petsa na ni report ng ale kung kelan siya ninakawan”. Magalang na sabi ng security manager.

“Hindi kami sasagot sa mga akusasyon ninyo habang wala kaming abogado. Besides, wala kayong karapatang mag interrogate sa amin dahil hindi kayo mga pulis”. Ang mahinahong sabi ni Adrian.

“Ah Sir, hindi naman po”. Pinakita ng security officer ang footage at hindi naman ito hawig sa akin at napakalayo ng shots. Kahit na noong na zoom in ng security officer ang CCTV ay hindi ito hawig sa akin.

“Siya talaga iyon! Walang hiya ka!”. Ang pagtataray ng ale sa akin.

“Ale, gusto mo bang makasuhan ka ng libel? Hindi mo alam ang pinagsasabi mo. Wala kang ebidensya at ang CCTV na kuha ay hindi iyon kamukha ng inaakusahan mo”.

Tumahimik ang office at nagsalita na ang security officer. “Sir, pasensya na po. Hindi po naman kami nag aakusa”.

Pinakawalan din ako at binigyan pa ng mga complementary cinema tickets at mga gift certificates sa mall at sa mga restaurant. Natakot siguro ang security office na baka mag demanda kami.

Umalis kami ni Adrian sa Mall at dinala niya ako sa baywalk. Tahimik pa rin ako at hindi ko alam ang aking gagawin. Napansin ko na lang na tumulo ang aking luha. Mahirap palang mag bagong buhay dahil kahit anong gawin mo ay hahabol habulin ka pa rin ng mga multo ng iyong nakaraan.

“Mark, it’s alright. Wag ka masaydong malungkot. Ang importante ay nagbagong buhay ka na. Wala silang karapatang husgahan ka!”.

“Hindi ko alam Adrian, masakit pala maakusahan na magnanakaw kahit na magnanakaw ka naman talaga. Mas masakit kasing marinig ang totoo”.

Tahimik na lang kaming dalawa na nagmamasid sa palubog na araw.

“Hindi ko tuloy alam kung anong bukas ang meron ako”.

“Mark, nagbagong buhay ka na. Meron kang maliwanag na kinabukasan. Wag kang mag alala ako ang magiging gabay mo”.

--- oo0oo ---

Ilang araw din akong depressed pero nasa tabi ko lang si Adrian palagi. Siya ang aking kaibigan at sandalan. Pinagbuti ko ang aking pag aaral hanggang nakatapos din ako.

“Anak! Ngayong tapos ka na, dapat pag aralin mo ang kapatid mo at maghanap ka kaagad ng trabaho”. Akala ko ay titigil na rin si Inay sa pagda dakdak kahit sa araw man lang ng aking pagtatapos. Pero ganyan na talaga si Inay at hindi na talaga magbabago. Pero parang natunaw naman ang aking puso ng tumulo ang luha ni Inay.

“Kuya! Isang taon na lang magka college na rin ako”.

“Wag kang mag alala Jake pag aralin kita”.

Nagkaroon ng munting salo salo sa bahay pagkatapos ng aking graduation. Wala namang imbitado kundi ang mga kapitbahay lang namin. May mangilan ngilang mga kamag anak na dumayo pa galing sa probinsya upang mag celebrate sa aking pagtatapos.

Niyaya ako ni Adrian na sumama sa kanya at mag celebrate kami sa isang bar. Gusto niya lang na magkasama kami sa espesyal na araw na ito. Gamit ang kanyang kotse ay nag bar hop kami sa mga trendy na mga bars. Nang palabas na kami sa isang bar sa may Malate tumatawag kay Adrian.

“Adrian! Adrian Martinez?”.

Na shock si Adrian at sa lalaking tumawag sa kanya. Para siyang pinako sa kanyang kinatatayuan at para itong binuhusan ng malamig na tubig.

“Halika, sumama ka sa akin”. Utos ng lalaki na naging sunod sunuran lang si Adrian pero hinila niya ako.

“Hindi siya kasama”.

“Please po gusto ko po siyang isama and besides, may dala akong sasakyan”.

Mukhang galit na galit ang lalaking ito kay Adrian. Pumayag na rin ang lalaki na sumakay kami sa kotse ni Adrian provided na susunod kami sa kanya. Wala kaming imikan ni Adrian habang nagmaneho siya at sinusundan ang kotse ng lalaki. Tinahak naming ang Quezon Blvd, hanggang sa marating namin ang Mabuhay Rotonda. Pagkatapos ay lumiko kami papuntang E.Rod kung saan nandoon ang St. Lukes.

“Putang ina ka Adrian!”. Galit at maluha luhang pagkasabi ng lalaki.

“I’m sorry”. Ang matipid na sagot ni Adrian.

“Putang ina mo ka!”. At iba na ang boses ng lalaki at humihikbi na ito. “Kung hindi lang kay Mama binugbog na kita”.

Nakikita ko umiiyak na rin si Adrian pero clueless pa rin ako sa mga nangyayari. Sunod sunuran lang ako at saksi sa kung ano ang nagaganap. Nakarating din kami sa private ward ng St. Lukes.

“Mama nandito na siya”. Sabi ng lalaki sa nakahigang babae sa kama.

Dali daling tumakbo si Adrian papunta sa kinaroroonan ng matandang babae at niyakap niya ito. Humingi ng paumanhin at iyak ng iyak.

Parang out of place na ako at magulo pa rin ang aking isipan. Sa isip isip ko lang mapaliliwanagan din ako ni Adrian bukas.

“Saan ka ba nakatira? Ihahatid na kita”. Sabi ng lalaki sa akin.

“Sa Commonwealth po”. Habang nagmamaneho ang lalaki ay nagsalita na siya. “Ako si Carlos at si Rose ……si Rose ang nanay ko …….. iyong babae sa hospital”. Naguguluhan ako pero hindi na ako nagtanong pa. “Adrian is my mom’s husband”. Na shock ako sa aking narinig. Sinalaysay pa ni Carlos na si Adrian pala ay isang bayarang lalaki noon na nakilala ng kanyang ina sa isang mall sa Quezon City. Galing sa marangyang pamilya si Adrian ngunit nalugi ang negosyo ng kanyang ama mga 2-3 years ago. Nagpakasal sila kaagad ng walang nakaka alam. Nalaman lang ng mga anak ni Rose na nag asawa ito dahil sinabi ng kanilang accountant na malaki ang expenses ng kanilang ina kaya kinompronta nila ito. Umamin naman ito kaagad pero pinaglaban nito si Adrian. Dahil sa kanilang pagpapakasal ay nagkaroon ng bagong capital ang ama ni Adrian sa negosyo. Nabawi din nito ang kanyang mga losses at ngayon ay balik na sila sa normal. Nang mabayaran na ng ama ni Adrian ang pinahiram na pera ni Rose ay parang ayaw na ni Adrian na makasama pa si Rose. Umalis ito sa bahay ni Rose at iniwasan na niya ang matanda dahilan kung bakit na hospital ito dahil sa sama ng loob.

“I’m sorry Carlos, hindi ko alam”.

“Don’t be sorry. Nangyayari naman ito at mukhang nagsisi naman si Adrian”.

Ang totoo ay nahabag ako sa kalagayan ng kanyang ina.

--- oo0oo ---

Mga isang linggo din ang lumipas bago kaming muling nagkita ni Adrian. Doon kami pumunta sa Ninoy Aquino Wildlife.

“Mark, sana walang magbabago”.

“Adrian, maraming magbabago. Akala ko ikaw ang magiging gabay ko. Nag bagong buhay ako dahil sa iyo thinking na isa kang huwaran. Masama lang ang loob ko dahil bakit hindi mo ito sinabi noon sa akin. Noong binuksan ko ang buo kong pagkatao sa iyo. Wala naman akong karapatan na mag tanong pero sana man lang naging honest ka lang”.

“Hindi mo naiintindihan ang aking kalagayan”.

“Anong hindi?”.

“May opportunity ka na sana noon na sabihin ito sa akin. Pareho lang pala tayo may sariling multong kinakatakutan at tinatago”.

“Mark……..”. Nakayuko si Adrian at mahinahong nagsalita. “Kung sinabi ko kung ano ang tunay kong pagkatao sa iyo, anong mangyayari? Wala? Kasi ma validate mo lang na wala ng pag asa ang mundong ito. Punong puno ka na ng hinanakit at kung ako na kaibigan mo ay di mo rin makikitaan ng magandang values baka tuluyan mo ng kamuhian ang buong mundo at hindi ka na magbabagong buhay. Tulad mo, marami rin akong hinanakit sa buhay pero nang sinabihan kita ng mga positive things, naayos mo ang iyong buhay. Gusto ko rin sanang umamin sa iyo kung ano at sino ako ngunit nag aalangan ako. Baka mag iba na ang pagtingin mo sa akin at maapektuhan ang iyong pag bagong buhay”.

“I’m sorry Adrian pero siguro kailangan na nating tapusin kung ano man ang namamagitan sa atin. Kung gusto mong magpatuloy ako sa pagbabagong buhay, sana magbagong buhay ka na rin. Balikan mo si Rose, mahal ka niya at tanggap ka na ng kanyang mga anak”.

“Mark….. please ……”.

Tumutulo ang aking luha ng iwanan ko si Adrian. “Kailangan ko itong gawin dahil ngayon ay mahal na kita”. Ang bulong ko sa aking sarili habang naglalakad ako palayo sa kinaroroonan ni Adrian.

Araw, linggo, buwan din ang lumipas at wala na kaming communication ni Adrian. Hindi na ako tumawag at hindi na rin siya tumawag sa akin. Masaya na ako sa aking buhay ngayon dahil may matatag na akong trabaho sa Makati. Si inay ay mabunganga pa rin. Hindi siya ang aking ina kung hindi siya mabunganga. May nakilala akong bagong kaibigan sa office si Martin. Mabait naman siya at napaka sweet pero hindi pa ako handa iangat ang aming pagkakaibigan to the next level. Ang alam ko lang mas at peace na ako sa aking sarili ngayon at maligaya. Minsan nakita ko si Adrian sa Glorrieta kasama si Rose at masaya sila. Nagkawayan kami at nagkangitian. Masaya ako sa pagbabagong buhay naming dalawa.

--- ENDS ---

This story is free for all. Please do not take out the credits and always ask permission from the author before posting it to other sites. Merci Katir Maraming salamat po. Email Desert Delicacy [
desertdelicacy@yahoo.com] for comments or visit http://desert-diaries.blogspot.com for more stories.

No comments: